Desiderata

Humayo nang payapa sa gitna ng ingay at pagkukumahog
at tandaang may katiwasayang masusumpungan sa katahimikan.
Hanggang kakayanin at nang hindi sumusuko,
pakitunguhannang mabuti ang lahat.

Sambitin ang sariling katotohanan nang mahinahon at walang gatol
at pakinggan ang iba, kahit ang pulpol at mangmang.
Sila man ay may masasabi.

Iwasan ang hambog at mapusok; nakaliligalig sila ng loob.
Kung ihahambing ang sarili sa iba, baka maging palalo o puno ng hinampo
dahil laging may makahihigit o mababa sa iyo.

Masiyahin sa iyong tagumapy, maging sa iyong mga balak.
Pangalagaan ang iyong hanapbuhay gaano man kahamak;
iyay maaasahang pag-aari sa pabago-bagong kapalarang dala ng panahon.

Mag-ingat sa pakikipagnegosyo pagkat puno ng bulaan ang mundo.
Ngunit huwagnaming magbulag-bulagan sa kabutihan.
Marami ang nagsisikap maabot ang kadakilaan,
at saan mang dakoy may kabayanihan.

Magpakatotoo sa sarili. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa pagmamahal.
Subalit huwag ding kutyain ang pag-ibig
pagkat sa harap ng lahat ng kawalan ng sigla at pag-asa
lagi itongtumutubong muli tulad ng damo.

Tanggapin nang mahinahon ang payo ng taon,
at isuko nang magiliw ang mga biyaya ng kabataan.
Patatagin ang espiritu bilang pansanggalang sa di-inaasahang kasawian.
Ngunit huwag magpakaligalig sa mga nakababahalang alalalahanin.
Maraming pangamba ang dulot ng pagod atpangungulila.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na disiplina, maging malumanay sa sarili.

Supling ka ng uniberso, gaya ng mga punot tala
karapatan mong dumito.
At malinaw man ito o hindi sa iyo
walang alinlangan, sadyang namumukadkad ang uniberso.

Kaya maging payapa sa Panginoon
paano man ang pagkilala mo sa Kanya
at anuman ang iyong pagsisikap at pangarap;
sa maingay na kaguluhan ng buhay
panatilihing panatag ang iyong loob.

Sa kabila ng pagkukunwari, kawalang-kawawaan, at bigong pangarap,
Maganda pa rin itong mundo.
Maging masayahin. Sikaping lumigaya.

ni Max Ehrmann salin sa tagalog ni Benilda Santos

Leave a comment